top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Asahan ang buwenas na kampanya ni Diaz sa IWF

Eddie M. Paez, Jr. / Gerard Arce
Sep 17, 2019
1 min read

Tatangkain ni Pinay weightlifter at London Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na lalong mapalapit sa isang upuan na bakante pa para sa 2020 Tokyo Summer Olympics sa pagsabak niya sa International Weightlifting Federation (IWF) World Championship na sisimulan sa Pattaya, Thailand sa Setyembre 18. Pero mabigat ang mga hamon dahil magsisilbing preview ng Olympic Games sa Japan ang kompetisyon ngayong linggo sa lugar na ito sa Timog-Silangang Asya. Inaasahan ang pagsabak ng mga potential 2020 Olympic stars at mga posibleng medalists dito. Bukod pa rito, ang kategoryang sinasalihan ni Diaz ngayon ay hindi na sa 53kgs kung saan siya naging Olympic runner-up kundi ang mas mabigat nang 55kgs.

Sa kabila nito, bitbit ni Diaz sa torneo ang isang pilak na medalya mula sa huling Asian Weightlifting Championships. Magandang senyales na tumataas ang antas ng paghahanda. Pero matamlay ang performance sa Asian tilt na nabanggit kung ikukumpara sa world standards sa grupo ng 55kgs. Ang kanyang snatch best ay 94 kilos lang habang 115 kilos ang naiposte sa clean and jerk para sa kabuuang 209 kilograms. Isang silip sa world standards at sa 2018 World Championships na resulta ang magpapatunay rito. Sa Tukmenistan, isang Thai ang nagtala ng rekord na 105 kgs. sa snatch; 127 kgs. sa clean & jerk at 232 kgs. sa kabuuan. Hindi man sasali ang mga pambato ng Thailand dahil sa “banned substance” na isyu, nakatutok sa trangko ang mga kinatawan ng China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page