Umatras sa serye nina Kim at Xian… Erich, pinarusahan ng dos, out sa ABS-CBN Ball
- BULGAR

- Sep 16, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi rin dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 si Erich Gonzales.
Ang dahilan ng dalaga, nagpabunot siya ng wisdom tooth. Hanggang ngayon daw ay namamaga pa rin ang kanyang mukha at panay ang kirot ng pinagbunutang ngipin.
Pero ayon sa mga bashers, nagpapalusot lang ang Kapamilya actress tulad ng pagpapalusot na ginawa niya sa teleserye nila dapat nina Xian Lim at Kim Chiu.
Ang iba namang netizens ay nanghihinayang dahil isa pa naman daw sana si Erich sa mahuhusay magdala ng gown.
“Sayang, isa ka sana sa mga best dressed ng ball.”
“She’s the one I’m really looking forward to see at the red carpet. I’m no fan of local showbiz but I adore her face so much. She’s so pretty in the simplest way.”
How true ang nasagap naming tsika na may sanction daw ang aktres mula sa management ng Kapamilya Network dahil sa unprofessionalism diumano nito — ang backout issue sa serye nina Kim at Xian — at may penalty din daw.





Comments