top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Problema sa mga kagamitan sa SEAG, reresolbahin ng PSC

Gerard Arce
Sep 16, 2019
1 min read

Inaasahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Chef de Mission William “Butch” Ramirez na agarang mare­resolba sa lalong mada­ling panahon ang prob­lema sa pagku­ha ng mga kinaka­ilangang kagami­tan para sa 30th Southeast Asian Games na magbubukas simula Nob. 30-Dis. 11 sa bansa.

Sa idinaos na consultative meeting noong Biyernes ay kinakitaan ng pagkabahala ang pinuno ng ahensiya ng pampalakasan dahil sa pagkaantala ng mga equipment ng mga national sports association (NSAs) kung saan wala pang 20 sa 61 na requests umano ang naaapru­bahan sa bidding process. “This (procurement) concerns a lot for us, but we’re finding solutions to this problem,” wika ni Ramirez. “Let’s resolve all issues and make sure we smoothly host the games,” dagdag nito.

Malalaman ngayong araw kung mareresolba ang gusot sa kakailanging kaga­mitan ng 56 sports para sa 11-nation sportsfest gayong mayroon itong nakalaang P500-600-M para sa pagbili ng mga equipment ng NSAs.

Mahalaga ring pinag-uusapan ang ticketing, accommodation, venues, transportation, logistics at sports bago ang nalalabing dalawa’t kalahating buwan.

Napag-usapan din sa pagpupulong ang ilang maliliit na problema sa venues gaya ng weightlifting, squash, kickboxing, skateboard at obstacle sports. Mahigit na 530 events sa 56 sports na lalahukan ng mahigit sa 9,000 atleta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page