Pag-ibig Loyalty Card Plus, aabot na hanggang Visayas at Mindanao
- Thea Janica Teh
- Sep 16, 2019
- 2 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Matapos i-launch sa NCR ang bagong Pag-IBIG Loyalty Card Plus noong August, ngayon ay darayo naman sa Cebu at iba pang lugar sa Visayas para ma-experience rin nila ang convenience na dala ng Loyalty Card Plus ng Pag-IBIG Fund.
Ito ay pinangunahan ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti noong September 9, 2019 sa Cebu City.
Maaari na itong magamit bilang cash card. Mas pinadali na ang pagkuha ng benefits dahil dito na rin papasok ang multi-purpose loan, MP2 dividends at iba pa. At siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga reward at big discount ng mga cardholder sa halos 300 partner establishments. Maaaring makakuha ng 5-50% discount mula sa grocery, fuel, tuition fees, hospital bills, medicine at kahit sa restaurants at travel expenses!
Bukod pa rito, maaari na rin itong magamit bilang debit card para sa cashless transactions at tulad ng debit at credit card, mayroon din itong EMV chip para sa mas magandang seguridad ng bawat transaction. Para magawa ang lahat ng ito, nakipagtulungan ang Pag-IBIG Fund sa dalawang biggest names sa banking history. Ito ay ang Union Bank of the Philippines at Asia United Bank. Sa ngayon ay open pa rin ang Pag-IBIG Fund sa pakikipagtulungan sa iba pang bangko para mas ma-improve at lumawak ang services ng ahensiya.
Hindi lang ‘yan, mas pinabilis pa ang pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus dahil maaari na agad nilang makuha sa mismong araw ng pag-a-apply ang kanilang card! At dahil abot na ang loyalty card na ito sa Cebu, available na ito sa Cebu-Ayala Branch, Cebu-Colon Branch, Mactan Branch at Mandaue Branch. Available na rin ito sa ilang lugar sa Visayas kabilang ang Danao, Dumaguete, Talisay at Toledo. Asahan na sa Oktubre ay magiging available na ito, nationwide!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo




Comments