Pacman bout sa Japan ibinida ni Mayweather


Photo: @floydmayweather
Umarangkada na naman kahapon ang pagbibida ni Floyd Mayweather, Jr, at pinalutang na naman niya ang usap-usapan na may potensiyal na rematch sa pagitan niya at ng karibal na Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao. Hindi kaya nanggagamit na naman ito sa pangalan ni Pacman?
May isiniwalat si Mayweather sa kanyang Instagram account na diumano’y nakikipagnegosasyon na ito para sa isang “exhibition” match sa Tokyo, Japan kontra Pacman. “Money May, Money May, Money May, Money May all day. Betrnk.com that’s my team in Tokyo, Japan. TMT Tokyo and of course, I’m Floyd ‘Money’ Mayweather. What I’m working on right now is the Mayweather-Pacquiao exhibition right here in Tokyo, Japan stay tuned,” wika ni Mayweather.
Inilabas ni Mayweather ang statement na ito, isang buwan makaraang ikalat niya sa social media ang isang video na pinaplano niya ang rematch kay Pacman sa Saudi Arabia na ang totoo pala ay binayaran lang siya ng ilang milyong dolyar ng kausap niya upang gawin lamang ang naturang video. Ibig sabihin ginamit ang pangalan ni Pacman upang pagkakitaan ang naturang video.
Kalaunan ay itinanggi ito ni Mayweather at aniya lumang video na ang kumalat at noong Enero pa niya ito ginawa. Noong 2015 unang nagkaharap ang dalawa sa Las Vegas at sa unanimous decision nagwagi si Mayweather. Anumang oras naman daw ay kakasahan siya ni Pacman, kung saan at kailan ay sabihin lamang ito, pero patuloy na sinasabi ni Mayweather na retirado na siya.(MC)





Comments