top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga presong lumaya, 3 days na lang, suko na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2019
1 min read

Tatlong araw na lang! Galaw-galaw sa mga presong lumaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, sumuko na kayo bago pa tugisin.

Kung talagang dumaan sa makatarungang sistema ang inyong maagang paglaya, wala kayong dapat ikabahala. Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na hindi ibinalik sa selda ang mga naunang sumukong GCTA beneficiaries kundi sila ay nasa isang lugar habang iniimbestigahan pa ang kontrobersiyal na ‘laya for sale’.

Batay sa record ng Philippine National Police (PNP), pumalo na sa 431 ang mga presong sumuko. Sa nasabing bilang, 252 na ang nai-turnover sa Bureau of Corrections (BuCor) habang ang iba ay nananatili pa sa kustodiya ng PNP sa iba’t ibang police stations sa buong bansa.

Karamihan sa mga presong sumuko ay may kasong murder na nasa 138, sumunod ang rape na nasa 130, 42 sa robbery with homicide, 28 sa homicide at 14 sa rape with homicide.

Ngayong tatlong araw na lang bago matapos ang 15 days na ultimatum na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahang mas marami pa ang susuko. Sana, sumuko na lang nang maayos alang-alang na rin sa pamilya.

Makatutulong din ito sa ating gobyerno upang matukoy kung sinu-sino ang mga tunay na nang-abuso sa GCTA Law.

Malinaw nang may kawalanghiyaang nangyari. Ang kailangan na lang ay mapanagot ang mga nasa likod nito at maibalik sa selda ang mga kapalmuks na nakinabang. Higit sa lahat, para mabigyan ng pagkakataon ang mga presong mas karapat-dapat sa maagang paglaya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page