top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kung dati, sina Kim Chiu at Gerald Anderson… Kim at Jerald, bagong Kimerald

Vinia Vivar
Sep 16, 2019
2 min read

Limang taon na pala ang relasyon nina Kim Molina and Jerald Napoles pero kailan lang nila ito inamin sa publiko although noon pa naman ay natsitsismis na rin sila dahil nga kitang-kita ang ka­­kaiba nilang chemistry sa musical na Rak of Aegis kung saan nabuo ang kanilang relasyon.

Sa presscon ng pelikula nilang Jowable, ikinuwento ni Kim kung paano nabuo ang kanilang relasyon.

“Nu’ng unang beses ko po siyang makita, kaka-break ko lang po sa boyfriend ko nu’n. Kumbaga, a few months after ng break up sa boyfriend ko. Ayokong maghanap ng dyowa,” simula ni Kim.

Pero crush na raw niya that time si Jerald dahil ganu’n daw ang mga gusto niya sa lalaki na tipong bad boy tingnan.

Habang ginagawa nila ang Rak of Aegis ay sinimulan na raw silang tuksuhin ng mga kasamahan. Ang tawag sa kanila ay KimErald dahil nga kapangalan nila sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“KimErald kami sa Rak of Aegis tapos kinikilig sa amin ang mga tao. Eh, di sinakyan namin. Hanggang sa nagkatotoo, landi-landi, ganu’n.”

Nagkataon ding nang time na ‘yun, kabe-break lang ni Jerald sa kanyang ex-girlfriend kaya parang pinagtagpo talaga sila ng kapalaran.

“Alam mo ‘yung sinasakyan mo lang muna kung ano ‘yung mangyayari, gan­yan-ganyan. Tapos, nagkahulihan kami ng toyo sa ulo.

“We started becoming not just as partners pero as best friends,” he said.

Mas maganda raw kapag ang foundation talaga ay ang pagiging magkaibigan dahil mas matibay ang relasyon.

Sexy-comedy ang tema ng Jowable at may bed scene sina Kim and Jerald. Ayon sa dalawa, sobrang awkward for them ang nasabing mainit na eksena.

“Kasi, para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin habang magka­patong sa kama. Tapos, habang hinahalik-halikan mo, biglang may ‘O, ibang anggu­lo.’ So, mas awkward pala siya,” sey ni Jerald.

Ang Jowable ay mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page