top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wedding photos, kumalat… Ella, nagsalita na sa lumabas na buntis kaya nagpakasal kay Julian

  • Vinia Vivar
  • Sep 15, 2019
  • 1 min read

Ella, nagsalita na sa lumabas na buntis kaya nagpakasal kay Julian

Reunited ang JulianNella na sina Ella Cruz at Julian Trono sa TV series na A Not So Fake Love Story ng Cignal TV kung saan nga ay may eksenang ikinasal sila. Ang nasabing wedding scene ay naging kontrobersiyal at nag-viral nang i-post nila ito pareho dahil inakala ng mga tao na totoo.

Sa pocket interview ng entertainment press kay Ella kamakailan sa Viva Office, natatawa na lang ang aktres sa naging feedback sa wedding photos nila ni Julian.

“Ang pinaka-negative lang pong comment na lumabas is baka raw buntis ako kaya nagpakasal,” natatawang sabi ni Ella. “Sabi ko, ‘Grabe naman ‘yung mga tao, bawal magpakasal.’ Pero ‘yun lang naman po, wala nang iba, eh. Parang lahat, they see weddings as happy… alam mo ‘yun, parang goal, siguro naman, lahat tayo.”

In real life ay wala pa naman daw sa isip niya ang magpakasal dahil 23 years old pa lang siya.

“Nagpapayaman pa po ako,” sambit niya.

Sa pagbabalik ng JulianNella, ani Ella ay thankful sila sa isa pang chance para mag­sama silang muli.

“Open naman po kami to do works individually, to do works na may ibang ka-love team. Hindi naman kami ‘yung tala­gang officially, kailangang magkasama, ganu’n,” sey niya.

When asked kung ano ang real score sa kanila ni Julian, hindi na nakasagot si Ella at “We’ll see” lang ang nasambit niya.

Isa pang ikinatutuwa ngayon ni Ella ay ang pagkakapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya Film Festival 2019 para sa pelikulang Edward. Sa 10 years niya sa showbiz ay ngayon lang siya nakatanggap ng acting award kaya sobrang happy siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page