top of page
Pokwang.jpg

SSS online, mas pinadaling paraan para magbigay-serbisyo sa mga miyembro

Thea Janica Teh
Sep 15, 2019
2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Inaasahan ng Social Security System (SSS) na mas marami pang mga miyembro nito ang gagamit ng mga online platform sa pakikipagtransaksiyon sa ahensiya. Kaya naman, inaasahang aabot ng 32.3 mil­yong web transactions ang mangyayari pagtuntong ng 2020.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na mas pagagandahin pa ng ahensiya ang electronic service nito sa pa­­mamagitan ng pagdaragdag ng mga transaksiyon na maaaring gawin online at pararamihin pa ang mga paraan kung saan maaaring makapagbayad sa SSS.

“Tinatahak namin ang direksiyon kung saan mas madali, mabilis at mas accessible sa mga miyembro ang mga transaksiyon sa SSS gamit ang makabagong teknolohiya. Nais naming sigu­ruhing sa pamamagitan ng digitalization ng aming mga pangunahing serbisyo, maihahatid namin ito sa kanila sa simpleng paggamit lamang sa kanilang cellphone o computer.

“Makatutulong din ito hindi lang sa aming mga miyembro kundi pati na rin sa mga pensiyunado. Gamit ang electronic facilities, makatitipid ang SSS sa mga gastu­sin habang ang mga mi­yembro ay makapagtitipid sa kani­lang oras, pera at pagod,” sabi ni Ignacio sa isang press conference na ginanap kasabay ng selebrasyon ng ika-62 anibersaryo ng ahensiya.

Batay sa datos ng SSS, mula noong Enero hanggang Hunyo 2019, sa kabuuang bilang na 37.16 mil­yong transaksiyon, 26.63 mil­yon dito o 72% ay over-the-counter, ha­bang 10.54 milyon lamang o 28% ang nagawang transaksiyon sa electronic channels.

Ayon pa sa datos, sa kabuuang 14.95 milyong active paying members ng SSS mula noong Enero hanggang Hunyo 2019, 37% o 5.49 milyong indibidwal na miyembro lamang ang rehistrado sa website.

Sa kabilang banda, ang lahat ng 396,686 na aktibong employers ay nakarehistro sa SSS web facility mula noong Enero hanggang Hunyo 2019.

Sa kasalukuyan, mayroong anim na electronic channels ang SSS na magagamit ng mga miyembro at pensiyunado. Ito ay ang mga sumu­sunod: (1) SSS Website – My.SSS, (2) SSS Mobile App, (3) Self-Service Express Terminal (SET), (4) Interactive Voice Response System (IVRS), (5) Text-SSS at (6) Contribution payments thru electronic channels.

Dagdag pa ni Ignacio, nais ng SSS na tanggalin na ang paggamit ng mga tseke sa pagbabayad ng mga benepisyo sa pamamagitan ng transaksiyon sa PESONet at thru-the-bank program. Binanggit din niya na parte ng paunang imple­mentasyon ng digitalization, baba­guhin ng SSS ang 33 branches at lalagyan ng mas pinalaking mga lugar para sa e-Center.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page