Puring-puri ng mga YouTubers hanggang ibang bansa… Morissette, ka-level na nina Celine, Mariah at Be
- BULGAR

- Sep 15, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Na-amazed kami nang mapanood namin ang reaction ng mga YouTubers na karamihan ay mula sa iba’t ibang bansa. Habang nagba-browse kami, naagaw ng pansin namin ang singer na si Morissette Amon.
Ang mga awiting Stone Cold, Rise Up, Never Enough, Secret Love at ang original OPM niyang Akin Ka Na Lang ay pinapanood ng mga YouTubers.
Iisa ang kanilang reaction sa Asia’s Phoenix, “She’s insane!!!”
Ang mga judges ng K-Pop Song Festival ay nagsasabing ibang klase ang boses ni Morissette.
“She’s a great singer,” anila.
Ang una lang daw na nakilala nilang singer noon sa Pilipinas ay si Regine Velasquez. Pero ibang-iba raw ang boses ni Morissette.
Ang ibang YouTubers, nagsasabing queen singer si Morissette. Anila, pumapasok daw sa boses ng Asia’s Phoenix ang boses nina Mariah Carey, Cristina Aguilera, Beyonce at Celine Dion.
Dahil sa pinag-uusapan ng YouTubers ang name ni Morissette, may napanood kaming pinapanood ni Mariah ang Rise Up ni Andra Day.
Napahanga siya sa singer kung saan sinabi niyang, “She’s great and she’s insane.”
Maging ang whistle ni Morissette sa kanyang kantang Akin Ka Na Lang ay hinangaan ng mga international YouTubers.
Hindi man daw nila naiintindihan ang lyrics dahil nga Tagalog ay napakahusay daw talaga ng singer.
“She’s a world-class singer,” anila.





Comments