Princess Eowyn sa Sampaguita race

Aalagwa ngayong hapon ang 2019 Philracom Sampaguita Stakes Race na paglalabanan ng pitong kalahok sa Santa Ana Racing Club sa Naic, Cavite.
Kasabay nito, hahataw ang charity race ng Philracom, ang Manila horsepower special race (in memory of Comm. Wilfredo A. de Ungria, Jr.) for the benefit of Sto. Niño de Malolos Foundation, Inc. Ang Sampaguita stakes race ay tatawirin ng mga kalahok ng 1,800 meters na pangungunahan ng Heiress of Gold, Trust me, Cerveza Rosas, Good Voyage, Doktora, El Debarge at Princess Eowyn.
Pagkakalooban ng P1.2-M ang tatanghaling kampeon, tatanggap ng P450,000 ang 2nd place, P250,000 ang 3rd place at P100,000 sa 4th place. Kasabay nito hahataw ang 3 Winner Take All (WTA) dalawang Pick 5, Pick 6, at isang Pick 4. Sa Race 1, ang 1st WTA na paglalabanan ng 14 na kalahok at pinapaboran ang Fire Bull at Cassie Dear at Believable.
Sa 1st Pick 6 sa Race 2, pinagpipilian ang Early Bird at Runawayfromrosenot habang sa Race 3 nakalalamang ang Princess Eowyn at makakalaban ang Trust Me, Cerveza Rosas, Heiress of Gold at El Debarge. Sa Race 4, ang 2nd WTA na paglalabanan ng Desert Gold, Trust in Him at Hiconicus at sa race 5 ang mga kalahok na sina Fort McKinley, Iikot Lang at Oktubre Katorse.
Sa race 6, ang 3rd WTA at nakalalamang ang One more One more habang ang Mika’s Jewel ang tatalo habang ang 2nd Pick 6 ay sa race 7 at ipinapatok ang Alezzandro kasama ang Casino Royale, Batang Bangkal Amiga at Legionaire sa mga paratingan sa unang WTA. Sa race 8 ang 2nd Pick 5 at pinapaboran sina Resilient Creed at Rockaway habang sa Pick 4 sa race 9 at nakalalamang ang Goldsmith The Accountant at Hot and Spicy.
Sa race 10, lamang ang couple entry na Gunga Din at Faithfully sa June Eleven at nakalalamang ang Double Sunrise, Kailuphia, Viva Forever at Rockinghill sa race 11.
Nakalalamang ang Rhaegal sa Wings in my Feet, Musketeer at Ultimate Royale sa race 12. Tips ni Mang Ding: Race 1- Fire Bull (3) Believable (11) Race 2- Early Bird (5) Runawayfromrosenot (7) Race 3-Princess Eowyn (7) Trust me (2) Race 4-Desert Gold (3) Hiconicus (9) Race 5- Fort McKinley (5) Iikot Lang (1) Race 6- One more One more (9) Mika’s Jewel (6) Race 7-Alezzandro (4) Juliana’s Gold (10) Race 8- Resilient Creed (2) Rockaway (6) Race 9-Gold Smith (1) Hot and Spicy (5) Race 10- Entry no.3 June Eleven (6) Race 11-Double Sunrise (2) Rockinghill (5).





Comments