top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Petmalu ang Saint Clare, Enderun at Marine School sa NAASCU

A. Servinio
Sep 15, 2019
2 min read

Nananatiling malinis ang kartada ng defending champion Saint Clare College of Caloocan, Enderun Colleges and Philippine Merchant Marine School sa pagpapatuloy ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa RISE Tower ng Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City noong Biyernes. Dinurog ng Saints ang AMA University, 126-88, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nagtala si Mohamed Pare ng 31 puntos at 28 rebound at namuno sa pagbuhos ng 14 sunod-sunod na puntos papasok sa huling dalawang minuto upang marating ang pinakamalaking kalamangan, 126-86. Sinundan siya ni John Edcel Rojas na may 20 puntos sa unang laro bilang isang Saint.

Nagpamalas ng mainit na shooting sa harap ng kanyang mga kababayan sa Valenzuela si Michael dela Cruz upang itulak ang Enderun sa ikatlong sunod na tagumpay sa De La Salle Araneta University, 100-76. Nagpaulan si dela Cruz ng limang tres para sa 22 puntos habang nag-ambag ng 13 si Joaquin Mariano at 11 at tatlong assist kay Austin Veloso.

Nakalusot ang PMMS sa New Era University, 84-79, kung saan pinasok ni Bryan Hilario ang tres na nagpalamang sa Mariners, 81-78, na may 42 segundo sa orasan at sinundan ng mga free throw upang masigurado ang panalo.

Nagtapos si Hilario na may 26 puntos at tinulungan siya nina Eugene Cabauatan na may 18 puntos at Warren Sienes na may 16 puntos at 12 rebound.

Sa tampok na laro, tinalo ng Our Lady of Fatima University ang mga bisita mula Manuel L. Quezon University, 100-69. Namuno sa panalo si Nikko Panganiban na may 19 puntos at 10 rebound at sinundan siya nina Christophe Essomba na may 15 puntos at 8 rebound at Rommel Diosa na may 12 puntos.

Mga laro sa Martes – Marikina Sports Center 8:00 AMA vs. OLFU/ 9:30 DLSAU vs. HAU

11:00 CUP vs. MLQU/ 1:00 Saint Clare vs. Saint Francis

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page