top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PBA aspirants, may deadline na sa pagsumite ng aplikasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2019
  • 2 min read

Kukumpletuhin ng PBA ang kanilang line-ups bago pa man itakda ang pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.

Ikinalendaryo na ng liga sa Dis. 8 ang pagdaraos ng annual Rookie Daft sa Robinson’s Place Manila. Pero bilang pagsuporta sa SEA Games na idaraos sa bansa, magkakaroon ng break ang Governor’s Cup mula sa petsa ng biennial games sa Nob. 30 hanggang Dis. 11.

Ilang araw bago ang draft, lahat ng rookie aspirants ay nakatakdang lumahok sa tradisyonal na Draft Combine sa Dis. 4 at 5.

Para sa Fil-foreign aspirants, lahat ng papeles at requirements na kailangan ay dapat isumite sa liga sa Okt. 23 habang ang local players ay hanggang Nob. 29 ang pagsumite ng aplikasyon. Noong 2018, pinili ng Columbian Dyip si dating NCAA MVP CJ Perez bilang top pick ng 2019 Rookie Class. Dahil sa SEAG, ang PBA 44th season ay tatagal ng Enero 2020.

Samantala, susubukin ng Barangay Ginebra ang tikas ng Korean basketball sa pre-PBA Governor’s Cup. Matapos na makalaro ng Pinoy ang Jeonju KCC Egis, susunod na makakaharap ng Kings ang Changwon LG Sakers at ipagpatuloy ang build-up para sa season-ending conference.

Ito ang unang schedule ng kanilang dalawang tune-up matches na ang unang laro ay noong Biyernes. Kasunod ng Set. 17 na laro sa Big Dome sa game na pinamagatang ‘Asian Showdown 2’ na libreng mapanood ng publiko.

Ang Jeonju at LG Sakers ay pawang mga powerhouse ballclubs ng Korean Basketball League (KBL). Ang Jeonju ay five-time KBL champion habang ang Sakers ay isa sa elite teams ng liga kabilang na ang runner-up finish noon. Una nang tinalo ng Kings ang Jeonju sa welcome game, 98-78 noong Martes sa Upper Deck gym sa Ortigas. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page