top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Pastrana ng Lady Archers at Castro ng Tams, umaariba!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2019
  • 1 min read

Nagpakitang-Gilas muli ang rookie na si Kent Pastrana nang kanyang giyahan ang De La Salle University sa kanilang 91-58 paggapi sa University of the East kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa MOA Arena.

Umiskor ang newcomer na tubong Silay City ng 20 puntos, 3 rebounds at 3 ring assists para sa ipinosteng bounce back win ng Lady Archers.

Nakatulong niya ang kapwa Rookie na si Vea Malarde na nagsalansan ng 15 puntos at 3 assists, maging ang sophomore na si Angel Quingco na may 14 puntos, 7 boards at 2 blocks at si Bennette Revillosa na nagtala ng 12 puntos at 11 rebounds. “We had a good start and the good thing is our rookies have the confidence to play defense and get their rhythm,” wika ni DLSU coach Cholo Villanueva matapos makabangon ng team mula sa dalawang dikit na talo sa kamay ng Ateneo (90-92) at National University (58-112).

Bunga ng panalo, umakyat ang Lady Archers sa patas na markang 2-2, habang nanatiling winless ang Lady Warriors na pinamunuan ni Tin Cortizano na may double-double 15 puntos at 11 rebounds pagkaraan ng unang apat nilang laro. Sa sumunod na laban, bumawi ang FEU mula sa mabagal na simula upang mapayukod ang Ateneo, 79-64. Pinangunahan ni Clare Castro ang panalo ng Lady Tamaraws na nag-akyat sa kanila sa 2-1 na rekord matapos umiskor ng 18 puntos at 14 rebounds kasunod si Choy Bahuyan na may 15 puntos,7 boards at 2 assists. Samantala, bumaba ang Lady Eagles sa patas na kartadang 2-2 kapantay ng DLSU. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page