Koreano, nalunod sa Boracay
Pabs Hernandez III
Sep 15, 2019
1 min read
AKLAN — Isang Koreano ang namatay nang malunod sa dagat na sakop ng Bgy. Balabag, Boracay Island.
Kinilala ang biktima na si Sanghoon Lee, South Korean citizen at turista sa isla.
Ayon sa ulat, naliligo sa dagat si Lee kasama ang kapwa Koreano na si Jing Hyeok Lee nang matangay sila ng malakas na alon. Kaagad sumaklolo ang mga lifeguard at dinala ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Sanghoon.





Comments