top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyem­bre 15, 2019 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 15, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 15, 2019 (Linggo): Huwag kang mag-alala kapag mabilis kang mag-isip at kumilos. Ang totoo, bilis ang magdadala sa iyo ng magagandang kapala­ran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinla­ngan sa iyong kakayahan. Noon pa man at kahit kailan, ang pag-aalinlangan ay hindi nag­bu­bunga ng maganda. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-12-28-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madarag­dagan ang iyong mga ka­alaman at malaki ang ma­itutulong nito sa bina­ba­lak mong negosyo. Buk­san mo ang iyong isipan sa mga makabagong paraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-24-30-35-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang iba pang mga araw na darating. Ma­patutunayan sa kasaysa­yan ng buhay mo na doble-doble ang mga buwenas kapag dumapo sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-17-21-28-31.

CANCER (June 21-July 22) - Muling mahi­hi­waga­han ka sa mga pangya­yari dahil mapasa­sang-ayon ka sa mga hin­di mo gusto. Sa huli, malaki ang magi­ging pakinabang mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-4-9-18-29-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di ka puwedeng mamalagi nang matagal sa ka­biguan. Kikilos ang kapa­laran mo at makakalag ang tanikala ng iyong kalung­kutan. Lalaya ka at magka­karoon ng bagong masayang mundo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-16-24-25-34-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Darapo sa iyo ang suwerte. Hindi kalaki­han pero, sobra sa sapat para sumaya ka at makapag­pa­­saya ng mga taong malala­pit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-15-23-30-35-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na maa­awat ang pag­dating ng mga suwerte mo. Ang totoo, ka­pag may nagtangka na bigyan ka ng sakit ng kaloo­ban, siya ang masasaktan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-19-21-28-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga ki­lala mong pa­laasa. Hindi nila dapat makasanayan ang pag-asa. Lumayo ka pero, hu­wag mong ipahalata para hindi ka makasakit ng ka­looban. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-23-36-44-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang susuko dahil hindi ka isinilang para mabigo. Hin­di ka rin tulad ng iba na makakita lang ng ani­no ay nagtatago na at hin­di makakilos dahil akala ay multo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-18-20-25-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pataas ka nang pa­taas. Ito ay mangyayari kahit mala­laking pagsubok ang lu­malagay sa iyong hara­pan. Ang pagsulong ng buhay ay kakambal mo nang ikaw ay isinilang. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-14-19-21-24-27-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala. Alisin mo ang iyong pangamba dahil noon pa man, kapag hindi mo kaya ang ibini­bigay ng langit, binibig­yan ka ng langit ng taong kakayanin ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-25-28-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, biglaan ang pagpa­pa­lit mo ng isip. Sa iyong pagkabigla, hin­di mo akalain na bigla ring gaganda ang iyong ka­la­gayan at masasabi mo na patsamba-tsamba lang ang buhay sa mundo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-11-17-21-24.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page