Elorde vs. Navarrete, abangan ang bakbakan!

Matapos sundan ang yapak ng kanyang lolong si Gabriel “Flash” Elorde sa mundo ng boksing, sunod na tutularan ng apong si Juan Miguel Elorde na maging kampeon tulad nito.
Haharapin ng Filipino challenger ang kauna-unahan niyang suntok sa world title laban kay World Boxing Organization (WBO) junior featherweight Emmanuel Navarrete (28-1, 24KOs) ng Mexico ngayong araw sa T-Mobile Center sa Las Vegas, Nevada.
Sa mismong Araw ng Kalayaan ng Mexico ay ipapamamalas ni Elorde (28-1, 15KOs) ang kahandaan nito kahit pa man biglaan ang naging anunsiyo sa kanilang pagtatapat sa co-main event ng salpukan nina Tyson Fury at Otto Wallin para sa Lineal Heavyweight title ng una.
“It’s a big opportunity, a great experience for me. I’d like to thank everyone for giving me this chance,” wika ng 32-anyos na tubong Parañaque City na nagnanais na maging kampeon tulad ng kanyang lolo na naging longest super-featherweight champion sa loob ng 7-taon.
Tangan ang 19-game winning streak, susubukang magamit ni Elorde ang bahagyang kalamangan sa tangkad sa 5-feet-7 na tila matangkad na para sa 122-division.
Gayunman, bentahe ni Navarrete ang walong taon na pagkabata sa Filipino challenger na nag-aasam na pagsamahin ang super-bantamweight titles kay unbeaten Rey Vargas na nakatakdang manood sa ringside.
“I was very surprised to get the offer to fight on short notice, but I knew it was a great opportunity so we took it.
My mentality was I had to train harder and not take a long break because we knew the opportunity that was in front of us,” wika ni Navarette na kagagaling lamang sa 3rd round knockout win kay Francisco De Vaca noong Agosto 17.





Comments