top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di lang si Alden ang hindi umubra… Maine, 'di rin nabitbit ni Arjo sa ABS-CBN ball

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2019
  • 1 min read
Arjo sa ABS-CBN ball

Kung hindi man nakapunta si Alden Richards sa ABS-CBN Ball 2019 na para sa Bantay Edukasyon Program ng Bantay Bata 163, wala rin si Maine Mendoza.

Kahit na siguro gusto siyang isama ni Arjo Atayde bilang date ay hindi talaga uubra at sa tingin namin, bilang respeto na rin ‘yun ng aktor sa ginagawang pelikula ni Maine kung saan katambal niya si Carlo Aquino sa Minsan Pa With Feelings.

Huli nga silang nakitang magkasama nang magbakas­yon sa Osaka, Japan kasama ng kanilang mga kaibigan at sa kanilang pagbabalik bago ang taunang celebrity ball, may umasa na baka nga umapir si Maine.

Samantala, nagpaluha na­man ng sambayanan at sa ibang parte ng mundo si Arjo sa napaka­husay niyang pagganap sa The General’s Daughter last Thursday kasama ang wala pa ring kupas sa pag-arte na si Diamond Star Maricel Soriano sa napakasakit at makadu­rog-pusong pagkamatay ng kanilang characters.

Pawang mga papuri nga ang kanilang natanggap at trending topic pa worldwide ang naturang episode. May mahaba ring post si Angel Locsin ng kanyang papuri at pasasalamat kina Maricel at Arjo.

Kaya inaabangan din kung gaano kataas ang rating ng naturang episode. Last September 6 kasi, naitala ang mataas na rating ng TGD kung saan nag-number one sila sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa episode na pinag-usapan din kung saan namatay naman si Emilio Garcia.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page