Kung ang BF, pinag-iisipan pa… Kathryn, bet si Sarah para maging leading lady ni Daniel
- BULGAR

- Sep 14, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Kung papipiliin si Kathryn Bernardo sa mga makakatrabaho ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, ang gusto raw niya ay si Sarah Geronimo.
Nakunan ng pahayag ang bankable actress nang um-attend sila ni DJ na magkasama sa Sine Sandaan na ginanap nu’ng Huwebes (Sept. 12).
Ani Kath, “Personally, Sarah G.”
Sabi naman ni Daniel, “Alam mo, madali lang natin sabihin pero lahat, tinatrabaho, eh. Hindi naman siya basta-basta lang, so ako naman, tingnan natin kung sino ang magkatambal.”
Ibinahagi rin ng dalawa na malapit na silang muling mapanood sa isang proyekto.
Balitang pupunta sa Iceland ang dalawa. Kaya ang tanong ay kung du’n daw ba gagawin ang movie nila na pang-Valentine’s Day.
Saad ng Kapamilya actress, “Hindi po. Bakasyon po ‘yun.”
Dugtong pa niya, matagal na nilang plano ang magbakasyon sa Iceland at ipinaalam na rin daw nila sa kanilang home studio at pinayagan naman sila.
Excited na raw silang makita in person ang Northern Lights na matagal na nilang idinadasal.
Anyway, kung excited sina Kath at DJ sa Northern Lights, mas excited much ang KathNiel fans para sa susunod nilang proyekto.





Comments