top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Game nang makipag-ayos sa idinemanda ng libel… Kris, tiklop kay Atty. Falcis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Parang fans day ni Kris Aquino ang nangyari kahapon nang um-attend siya sa hearing ng cyber libel case na isinampa niya laban kay Atty. Jesus Falcis dahil sa dami ng nagpa-picture at nagpa-selfie.

Sa RTC Branch 93 sa Hall of Justice ng Quezon City Hall ang hearing at kung na­tatandaan ninyo, hindi nakarating si Kris sa unang hearing, kaya nag-comment si Atty. Falcis sa kanyang Facebook account sa hindi pagsipot ni Kris.

First time ‘yung pagki­kita nina Kris at Atty. Je­sus Falcis, kaya abangan natin at tiyak na ipo-post din ng ak­tres ang resulta ng hearing.

Post ni Kris sa Instagram (IG): “I made a promise, makikita n’yo lang po ‘yung mga ngiti ko, hindi ‘yung “effort” para makangiti akong muli. I prayed nonstop & I continue to pray that God may still open a road of compromise-one paved in justice, fairness, and a shared mutual desire to correct wrongs and heal pains, without further hurt...opo, malaki ang nagbago sa ‘kin, napa­litan na ang galit at sama ng loob, mas malalim na pagkakilala sa to­­toong pagkatao ko at tamang pag­pa­pahalaga sa kung ano at sino ang tala­gang importante sa buhay ko.”

Sana nga matapos na ang mga kaso ni Kris para mabawasan ang iniisip niya at ang pagpapagaling at pagpapalaki na lang sa kanyang mga anak ang focus niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page