top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

After malamang may tumor… Mccoy, gustong makatikim ng sex bago mamatay

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 13, 2019
2 min read

Napanood namin ang G! sa red carpet premiere night na ginanap last Tuesday sa SM North EDSA Cinema 5 na hatid ng CINEKO Productions, ang nag-iisang tropa movie na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 na mag­sisimula na ngayong September 13.

Parehong bida sina McCoy de Leon at Jameson Blake sa G! at pag-aagawan nila sa movie si Kira Balinger. Katropa nila sina Paulo Angeles at Mark Oblea, na parehong ma­ganda ang role na maayos na nai-distribute ng direktor na si Dondon Santos.

Iikot ang istorya kay Sam Corteza (played by McCoy), team captain ng football na malalamang may malaking tumor sa gallbladder matapos mahi­matay sa kanilang game.

Siya rin ang may kaya sa grupo at pinaka-adventurous at niyaya ang tropa para mag-road trip at tuparin ang kanyang bucket list at isa rito ang ma-experience ang first sex bago siya mamatay.

Tiyak na aabangan din ng mga fans ang pagpa­pakita ng butt ng G! boys a­t pagpapakilig nila sa screen.

Magiging masaya at ma­ayos ang kanilang pagla­lakbay at pagwawalwal hang­gang sa makilala niya si Sandy (Rox­anne Barcelo) na matapos ang nakapag-iinit na eksena dahil sa kala­singan, pagsisimulan ito ng gulo na sisikaping malu­tas ng mag­ka­kabarkada, hang­gang sa dumating ang naka­kagimbal na pangyayari na hindi nila inaasahan.

Habang nagkakagulo, ma­ri-reveal na iisa lang ang ba­baeng minamahal nina Mc­Coy at Jameson at tiyak na naka­ka-relate sila dahil nang­yayari rin ito sa totoong buhay at naging maayos naman ang kanilang pagkakaibigan kahit nali-link ngayon si Jameson kay Elisse Joson na ex-GF ni McCoy.

Masasabi naming nag-shine talaga sina McCoy at Jameson sa G! na hindi nagpakabog sa isa’t isa, na lalo pang mamahalin ng kanilang mga taga­hanga.

Tiyak ding maraming matututunan sa pelikula kung saan may special participation sina Rosanna Roces, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara Alcaraz, Moi Bien, Alora Sasam at Joey Marquez.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page