top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Video ng ginawa nila ni Willie, kumalat… Kris, tinawag na 'pokp*k' ng empleyado ng PHIL.. Ai

Vinia Vivar
Sep 12, 2019
2 min read

Photo: @krisaquino

HINDI inurungan ni Kris Aquino ang isang basher na bastos at tumawag daw sa kanya ng “wh*re.” Hindi na namin makita ang post ng basher sa comment section ng kanyang Instagram account at tanging ang sagot na lang ni Tetay ang nabasa namin.

Ayon sa pahayag ni Kris, nagtatrabaho sa isang airline company ang guy na lumait sa kanya kaya tinawagan din niya ng pansin ang kumpanya.

“Attention @flypal, his profile says he works as part of your ground staff & yet he puts out such a derogatory comment, practically calling me out as a wh*re when 99% of the comments have been so positive because we made Kuya Josh happy. And I have been so consistent in my praise for the very visible improvements in your airline. Sad to have a member of your team post in such a way that reflects badly on our flag carrier,” ang pahayag ni Kris.

Tila nag-comment ang basher sa video na ipinost ni Kris kung saan ay makikitang masayang-masaya si Joshua habang kinakantahan ni Willie Revillame.

Very vocal naman si Kris noon pa na talagang love na love ni Joshua si Willie at ganu’n din naman ang TV host sa kanyang anak.

Anyway, hindi lang ang happiness ni Joshua ang napansin ng mga netizens sa video kundi ang chemistry nina Kris at Willie. Ang da­ming kinilig sa kanila ha­bang kasama nilang mag-iina ang TV host na para silang isang buong pamilya.

Ang dami ring humihiling na sana ay sila na lang at iisa naman ang sagot ni Kris dito – na magkaibigan lang sila ni Willie at ipinagdarasal niyang makatagpo ang TV host ng babaeng tunay na magmamahal at magpapaligaya rito.

“Let’s pray Willie ends up w/ someone who will make him feel cared for & happy,” pahayag ni Kris.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page