top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Helicopter at ‘hawi boys’ para sa mga ambulansiya, sagot sa emergency cases

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2019
  • 1 min read

“I will ask the MMDA and the PNP-Highway Patrol Group… ‘pag emergency, ‘pag may sirena, hilahin na lang. That would be mandatory for them.”

Ito ang isa sa nakikitang solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ulat na maraming pasyente ang na­mamatay sa mga ambulansiya dahil sa matinding trapik.

Ipag-uutos umano ng pangulo sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pag-escort sa mga ambulansiya, partikular sa Metro Manila.

Kumbaga, magiging ‘hawi boys’ ang mga traffic enforcer at pulis para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Iminungkahi rin ang paggamit sa air assets ng Department of National Defense (DND). Maaari umanong gumamit ng helicopter o iba pang air assets para dalhin ang mga pasyente sa ospital, lalo na sa emergency cases.

Nauna nang naiulat ng Agence France Presse na maraming pasyenteng namamatay sa mga ambulansiya dahil sa gridlock o malalang trapik sa Metro Manila.

Ilang post na rin sa social media ang kumalat na may kaugnayan sa problemang ito.

Bukod sa trapik na dulot ng mga ginagawang kalsada at iba pang pro­yekto, aksidente, pagdami ng mga sasakyan, isa rin sa masasaklap na dahilan kaya nalalagay sa alanganin ang pasyenteng sakay ng ambulansiya ay dahil sa mismong mga motorista.

May mga driver na parang hindi alam kung ano ang gagawin o saan pupunta kapag may ambulansiya sa likod. Meron ding mga pasaway na ayaw talagang gumilid at kapag nahagip, sila pa ang galit!

Lahat tayo ay napeperhuwisyo ng matinding trapik, buhay at kabuhayan ang itinataya, araw-araw, pero bigyan pa rin natin ng konsiderasyon ‘yung mga mas nangangailangan, silang mga literal na buhay ang nakiki­pagsapalaran sa lansangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page