Wim’s Fronda at San Diego mga lider na sa round 10

GINULAT nina WIM Jan Jodilyn Fronda at WIM Marie Antoinette San Diego ang kanilang mga katunggali upang agawin ang liderato matapos ang 10 rounds sa 2019 National Women’s Championship-Grand Finals sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) headquarters sa Mindanao Ave., Project 6, Quezon City.
Pinabagsak ni Fronda ang dating solo leader na si WIM Kylen Joy Mordido matapos ang 30 moves ng London System habang itinumba ni WIM Marie Antoinette San Diego si May Ann Alcantara matapos ang 71 sulong ng Modern Defense upang masungkit ang liderato sa kanilang 7 puntos sa 10 laro.
Umangat din si WIM Catherine Perena-Secopito matapos maungusan si Samantha Umayan sa 27 moves ng Reti opening sa prestihiyosong kompetisyon na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) upang mapili ang miyembro ng national team sa World Chess Olympiad na nakatakda mula Agosto 1-15, 2020 sa Khanty-Mansiysk, Russia.
Katuwang ni Secopito sa 3rd - 6th places na may 6.5 puntos sina Mordido, WIM Shania Mae Mendoza at WIM Bernadette Galas.
Naghati sa puntos sina Mendoza at WIM Mikee Chalrne Suede matapos ang 31 moves ng Slav Defense. Tabla din si Galas kay top WGM Janella Mae Frayna matapos ang 43 sulong ng Caro Kann.





Comments