top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Raga, bagong billiard star pasok sa Fargo ranking 100’s

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

TILA inanunsiyo na sa buong mundo ang bagong bituin mula sa Pilipinas matapos na umakyat sa 4th place ang Cebuanong si Anthony Cortes Raga sa pres­tihiyosong talaan ng Fargo Billiards Ranking Top 100.

Mula sa pagiging no. 30, opisyal nang kinilala ang husay ng 22-anyos na manunumbok at ngayon ay nakaupo na siya sa likod ng mga tumatrangkong sina Jiaqing Wu (China, 828 puntos), Shane Van Boening (USA, 824 puntos) at Joshua Filler (Germany, 822 puntos) dahil sa bitbit na 820 puntos.

Nasa top 10 din sina Jayson Shaw (Scotland, 819 puntos), Pin Yi Ko (Taiwan, 817 puntos), Jung Lin Chang (Taiwan, 816 puntos), Dennis Orcullo (Pilipinas, 816 puntos), Carlo Biado (Pilipi­nas, 812 puntos) at Lee Van Corteza (Pilipinas, 810 puntos).

Sariwa si Raga, isang hindi kilalang pangalan kung titingnan ang World Pool Billiards Association (WPA) rankings sa pagpapabagsak ng mga higante at sa pagsikwat ng bridesmaid honors sa malupit na 2019 World 9-Ball China Open.

Sa torneo, dumaan sa qualifying stage si Raga bago pumasok sa main draw at umabot pa sa dulo kung saan umusok sa hill-hill na bak­bakan sa finals bago siya kinapos.

Ang listahan ng mga nabiktima niya ay ang mga bigating sina WPA no. 16 Eklent Kaci ng Albania (11-8), Chinese Fu Jianbo (11-5), WPA no. 17 at kapwa Pinoy Johann Chua (11-9), WPA no. 2 Niels Feijen ng Netherlands (11-8), WPA no. 8 at Scotland gem Jayson Shaw (9-7) at ang batikang si Thorsten Hohmann (Germany, 9-4). Kasama sa mga kilalang manunumbok na hindi nakapasok sa finals ay sina Biado, Filler at Boening.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page