Kahit ginawang drug den… Ara, walang balak palayasin sa condo niya si Deborah Sun
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 1 min read

IKINAGULAT at ikinalungkot ng aktres na si Ara Mina ang pagkakahuli kay Deborah Sun at sa anak nitong si Angela na may kinalaman sa droga lalo na’t mismong sa kanyang condo unit pa sa New York Mansion naganap ang pag-raid at paghuli sa dating aktres at sa mga bisita nila.
Libreng pinatira ni Ara si Deborah at ang mga anak nito sa kanyang condo unit dahil naaawa siya. Minsan, pinadadalhan pa niya ng groceries ang aktres. Ilang taon ding libre at wala siyang anumang upang sinisingil kay Deborah.
Balak noon ni Ara na ipa-rent o ibenta ang kanyang condo unit dahil walang nakatira, pero nang nakausap niya si Deborah at nag-emote na walang matitirhan, sila na ang pinatira ru’n nang libre ni Ara.
May bali-balitang lumutang na diumano, sinabi ni Deborah na pipiyansahan siya ni Ara Mina. Pero nang makausap namin ang aktres sa teyping ng Bubble Gang, sinabi niyang hindi ito totoo. Ang tanging maipapangako lang niyang tulong ay hindi niya palalayasin sa kanyang condo unit ang mag-iina dahil naaawa siya, kahit na marami pa ang nagpapayo sa kanya na paalisin na sina Deborah sa kanyang condo unit dahil ginagawang drug den.





Comments