top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Baklang Breadwinner, nalubog sa utang dahil sa luho at bisyo, Problemado

ROMA AMOR
Sep 11, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Edison, 23 at nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid, pero bakla ako. Wala itong issue sa pamilya namin. Sumulat ako sa inyo dahil may pi­nagdaraanan ako kasi hanggang ngayon, sa amin pa rin nakaasa ang mga kapatid ko kahit may kani-kanya na silang pamilya. Dahil lalaki pa rin ako, ako ang inaasahan ng aming mga magulang para matugu­nan ang mga pangangailangan namin. Dahil dito, humin­to ako sa pag-aaral at nagtrabaho, pero hindi ko na­iwasan ang mga luho at bisyo kaya hindi naging maganda ang performance ko sa trabaho at natang­gal ako. Hindi ito alam ng pamilya ko kaya kung sinu-sino ang aking nilapitan para hingan ng tulong at nabaon ako sa utang. Ano ang dapat kong gawin? — Edison

Edison,

Una sa lahat, malaking bagay ang obligasyon sa iyong pamilya para mabuhay sila. Walang masama sa pagbili ng luho, pero kailangan mong i-budget nang tama ang iyong pera at matutong mag-ipon upang hindi ka mahirapan kapag ikaw ang may kailangan. Upang muli kang makabangon, sabihin mo sa iyong mga ma­gulang ang iyong totoong sitwasyon para mabawasan ang bigat ng iyong saloobin at palagi mong tatandaan na sa oras ng kahirapan, pamilya ang una mong masa­sandalan. Gayundin, maghanap ka ng trabaho at hu­wag nang uulitin ang mga pagkakamali mo noon. Mag-ingat ka palagi and God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page