Una, si Jackie Rice... Kalat na: Ivana, P4.7 mang presyo sa 2 oras na escort service
- BULGAR
- Sep 11, 2019
- 2 min read

NAG-REACT ang mga namamahala ng showbiz career ng sexy star na si Ivana Alawi sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isang online booking agency.
Isang malaking larawan, profile at presyo ni Ivana ang nakalagay sa online booking agency na kumakalat na sa social media.
Rising actress, model at tinawag pang social media starlet si Ivana dahil sa Instagram account niya.
Nakilala raw siya sa social media dahil sa pagba-vlog niya sa kanyang fashion, travel, lifestyle at higit sa lahat, ang pagmo-modelo niya ng bikini.
Nagkakahalaga naman diumano ng P2.6M ang booking rate ni Ivana for one hour, habang P4.7 million naman ‘pag dalawang oras.
At ang taray ng online booking na ‘to, huh? Kasi, after two hours, “no additional hours” na ang nakalagay.
May tsika pa sila na ganito, “VIP Ladies must be booked 24 hours in advance. We respect our ladies and staff to provide a service that is real, professional and respectful.”
Under ng PPL Talent Management si Ivana at pinabulaanan nila na pa-booking sa online ang kanilang artist.
Bago si Ivana, pinagpistahan sa social media ang tsika naman tungkol kay Jackie Rice na nasa listahan din daw ng isang online booking at umaabot din sa milyon ang halaga.
Si Ivana ay lumabas sa natapos na serye sa Kapamilya Network na Sino Ang Maysala? at mapapanood din siya sa pelikulang Open na ipapalabas na sa September 13.
And speaking of Open, kabilang ang pelikulang ‘to sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino 3 na ipinrodyus ng T-Rex Entertainment at Black Sheep sa direksiyon ni Andoy Ranay.
Ka-partner ni Ivana sa Open ang talent ng T-Rex na si Vance Larena. Sina Arci Muñoz at JC Santos ang bida ng Open.
コメント