top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tesis, puwede nang isulat sa wikang Filipino, may tsansa pang manalo

  • Thea Janica Teh
  • Sep 10, 2019
  • 1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Alam n’yo bang maisusulat na natin sa wikang Filipino ang ating mga tesis/disertasyon sa ating pinagdadalubhasaang disiplina?

Alam n’yo rin ba na maaari tayong manalo ng Php100,000 sa paggamit lamang ng wikang Filipino sa mga saliksik sa agham, matematika at humanidades?

Kaya naman, isali na ang inyong tesis/disertasyon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda! Ito ay ang pinakamataas na pagkilala na handog ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham-panlipunan at iba pang kaugnay na larangan gamit ang wikang Filipino.

Layunin nitong hikayatin at palaganapin sa pamamagitan ng sistemang insentibo, grant at gawad ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas ng mga akdang orihinal kabilang ang mga aklat-aralin at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.

Maaaring mamili sa dalawang kategorya: (1) tesis at (2) disertasyon. Isa lamang ang mananalo sa dalawang kategorya.

Ito ay bukas sa lahat ng estudyante sa antas gradwado (masteral at doktorado). Ang mga isasaling tesis/disertasyon ay naipagtanggol at naipasa na noong 2018 at ngayong 2019 lamang. Ito rin ay kailangang orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bilang aklat at hindi rin salin mula sa ibang wika. Ilan lamang ‘yan sa mga kinakailangang malaman ng lalahok. Ang kabuuang impormasyon ay maaaring makita sa http://kwf.gov.ph/sumali-na-sa-kwf-gawad-julian-cruz-balmaseda/.

Ang magwawagi ay makatatanggap ng Php100, 000 (net) at isang plake ng pagkilala. Kaya naman, tara na at magpasa dahil hanggang October 11, 2019, alas-5:00 ng hapon lamang tatanggap ng mga aplikante.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page