Fashion designer, itinag pa sa post sa socmed… Julia, tinanggihang igawa ng gown ni Rajo Laurel, tod
- BULGAR

- Sep 10, 2019
- 1 min read

MARAMI ang nagtatanong/nagtataka kung bakit may post-emote si Julia Barretto sa social media kung saan itinag niya ang sikat na fashion designer na si Rajo Laurel.
May sama ba siya ng loob kay Rajo?
Tuloy, may nag-iisip na baka gustong magpatahi ng gown ni Julia na isusuot sana sa Star Magic Ball pero tinanggihan siya ng nasabing famous fashion designer.
Sey ng mga friends ni Rajo, mabait na tao ito pero namimili lang din daw kung sino ang gusto niyang igawa ng kasuotan. Hindi isyu ang pera o presyo rito. At karapatan naman ni Rajo ang tumanggi kung hindi niya feel ang kliyente.
May kuwento pa ang ilang netizens tungkol sa pagbaba ng popularidad ni Julia simula nang iwan niya ang love team nila ni Joshua Garcia at natsismis kay Gerald Anderson. Nang mag-show daw si Julia sa U.S.A., hindi na ganu’n kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy fans kumpara noong sila pa ni Joshua ang magkasama.
Kay Joshua napunta ang simpatya ng publiko at mas tatagal ang career kahit na hindi si Julia ang kapareha sa pelikula o serye sa telebisyon.





Comments