top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wa' raw 'K' dahil 'di Kapamilya… Alden, hinarang sa pagdalo sa start magic ball

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

MAY grupo ng mga fans na ayaw dumalo si Alden Richards sa ABS-CBN Ball 2019 na gagawin sa September 14. Hindi raw Kapamilya si Alden, Kapuso siya at walang karapatang dumalo sa event ng mga Kapamilya. Maa-out of place lang daw siya sa event, kaya pinayuhan na ‘wag nang dumalo.

Paano kaya kung invited si Alden sa ABS-CBN Ball, bawal pa rin siyang dumalo?

Sa isyung wala siyang kai­bigan sa Dos at maa-out of place lang, nandu’n naman sina Jo­ross Gamboa, Maymay En­tra­ta at Jameson Blake na mga naka­sama niya sa Hello, Love, Goodbye at siguro naman ay babatiin siya ng mga ito.

Iwe-welcome rin naman siguro si Alden nina Mr. Carlo Katigbak, Mr. Mark Lopez, Di­rek Olive Lamasan at Director Cathy Garcia-Molina at iba pang kaibigan ni Alden sa ABS-CBN.

Huwag na nating banggitin si Kathryn Bernardo na nag­paha­yag nang welcome si Alden kung dadalo siya sa ABS-CBN Ball. Ito kasi ang dahilan kung bakit ayaw na ng mga fans na magkita at magkalapit pa ulit ang dalawa. Tapos na raw ang promo ng Hello, Love, Goodbye.

Presscon ngayon ng The Gift, matanong nga ang aktor tungkol sa may mga fans na ayaw siyang papun­tahin sa ABS-CBN Ball at galit sa kanya. Aalamin na rin namin kung dadalo ba siya sa Ball.

Samantala, busy si Alden sa taping at promo ng The Gift. Isyu sa ibang fans niya dahil ayaw nilang may love interest ang aktor at may kasamang newcomer sa teleserye.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page