Supremos at stars, bida sa mga karibal sa MPBL


NABIGO ang General Santos City Warriors at ang home team Bicol Volcanoes noong Sabado ng gabi nang talunin ng kani-kanilang karibal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Albay Astrodome.
Nakasakay sila sa 8-game winning run at perpekto ang winning streak habang nakaagapay si head coach Rich Alvarez, naging determinado kontra GenSan Warriors ang agresibong katunggaling Caloocan Supremos na bumanat ng 79-70 na panalo.
Nanguna sa Supremos si Almond Vosotros, dating miyembro ng Gilas Pilipinas na ang kasagupa sa bisa ng limang tres puntos at kumamada ng 24 puntos.
Pero hindi lang si Vosotros ang nanguna para sa Caloocan na umangat sa 8th spot at itarak ang 7-6 win-loss slate.
Umangat ang laro ni AJ Mandani sa 14 puntos habang si Tomas Torres ay may 12. May double-double output na 12 puntos si Rene Pacquiao at 11 rebounds habang si Danny Marilao ay may 10 para sa Caloocan pero nakapagbilang ng fouls ng 25 beses.
Nasadlak ang Gen San sa ikatlong tatlo sa 13 laro pero nanatiling nasa 2nd spot ng southern division ng torneo.
Natalo ang Warriors sa unang beses sa ilalim ni Alvarez na responsable sa ika-8 diretsong panalo ng team mula nang palitan niya bilang coach si Ramon Pido.
Tulad ng Gen San nabigo ang Bicol sa Manila sa bisa ng 76-73 na panalo sa main game. Hindi pinaiskor ng Stars ang karibal sa huling 2 minuto, ang ika-10 nila sa 12 laro para makabalik sa 2nd standings ng pahirapang northern division. Natalo ang Bicol sa ika-6 na beses sa 14 na laro, pero lagpak ang team sa ikalawang straight home match at wala pang panalo sa laro nang mag-host. (MC)





Comments