top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasig at Bacoor, out na sa Fiba 3x3 Manila

  • A. Servinio
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

MAAGANG nagwakas ang kampanya ng Pilipinas sa pagtatapos ng kauna-unahang Chooks To Go FIBA 3X3 Manila Challenger handog ng Coca-Cola Linggo sa SM City Fairview. Lumuhod ang nag-iisang natirang pambato ng bansa, ang Pasig Chooks, sa quarterfinals sa Lyon ng Pransiya, 17-20.

Lamang ang Pasig, 13-10, matapos ang dos ni Nikola Pavlovic, subalit pinayagan nila na magbuhos ng pitong sunod-sunod na puntos ang mga Pranses at biglang nag-iba ang timpla ng laban sa 40 segundo ang nalalabi, 17-13.

Kinoronahang kampeon ang Riga Ghetto ng Latvia tampok ang numero unong manlalaro ng 3X3 sa mundo na si Karlis Lasmanis matapos nilang talunin sa finals ang Lyon, 21-20, para sa $15,000 at sila ng Lyon ay tutuloy sa FIBA 3X3 World Tour Masters sa Jeddah, Saudi Arabia sa Oktubre.

Ang mga nagwagi sa side events ay sina Arturs Strielniks ng Riga Ghetto sa Two-Point Shootout at Kevin “Golden Child” Kemp ng Estados Unidos sa Slam Dunk. Isa-isang nagpaalam ang mga Filipino sa unang araw ng torneo noong Sabado.

Kinailangan pang hintayin ang huling laro ng araw bago tinalo ng Pasig ang Kranj ng Slovenia, 19-15, upang masigurado ang pagpasok nila sa quarterfinals.

Nakabawi ang Pasig galing sa kanilang 16-22 na pagkatalo sa Ulaanbaatar MMC Energy ng Mongolia. Masaklap din ang naging kapalaran ng isa pang koponang Pinoy sa main draw, ang Balanga Chooks, na nakalasap ng dalawang magkasunod na talo sa sa Humpolec Bernard ng Czech Republic, 16-22, at sa Riga Ghetto, 22-15.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page