Ngayong Box Office King na… Alden, tatapatan ang serye ni Angel


NGAYONG Setyembre, sunud-sunod ang pagsisimula ng mga bagong teleserye ng GMA-7.
Nauna na ngang nag-world premiere ang Beautiful Justice nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia na walang takot na tatapat sa ‘di matinag na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Next week, magsisimula na rin ang pagbabalik primetime ni Alden Richards sa The Gift na kung hindi babaguhin ang timeslot ay itatapat naman sa papatapos na ring The General’s Daughter ni Angel Locsin, na balita namin ay papalitan ng matagal nang hinihintay na pagbabalik-teleserye ng Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos via Starla. Sa tingin namin ay magandang tapatan ang magaganap sa parehong seryeng pambata nina Alden at Juday.
Bago matapos ang buwan, ieere naman ang One of the Baes na balik-tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela na makakatapat ng The Killer Bride ni Maja Salvador.
Nakakatuwa naman na masiglang-masigla ang tapatan ng mga teleserye ng Kapamilya at Kapuso Networks.





Comments