top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nagpabili ng rosary, nagpe-pray lang ‘pag may kailangan kay Lord

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lyn Rose ng Lynrose_Sobrio@face-book.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na bu­mili raw ng rosary na may free booklet ang ate ko tapos, nagpabili rin daw ako. Ano ang ibig sa­bihin nito? Salamat!

Naghihintay,

Lyn Rose

Sa iyo Lyn Rose,

Ang sabi ng panaginip mo, nakalilimot ka na kay Lord. Maaaring sabihin na hindi ka naman nakalili­mot dahil dasal ka nang dasal. Pero, nagdarasal ka lang kapag ikaw ay may kaila­ngan.

Sa ganitong katotoha­nan, masasabing ang tao ay nakalilimot sa Diyos kung saan nakalilimutan niya na dapat magdasal kahit walang kailangan kay God.

Sa rosary, ang mga da­sal ay iniaalay kay Maria. Ang rosary ay tulad ng mga bulaklak na iniaalay sa minamahal.

Ayon sa iyong pana­ginip, magdasal ka dahil may kailangan ka kay Lord pero, dapat may alay ka rin dahil ang pag-aalay ay tung­kulin ng mga nananam­­palataya.

Siguro, kung si Lord ay tao, tampung-tampo na siya sa mga taong naalaala lang Siya kapag may ka­ilangan.

‘Di ba, ikaw, kapag na­alaala ka lang ng iyong mga kaibigan sa tuwing sila ay may pangangaila­ngan, napapataas ang iyong kilay? Ang maganda sa magkakaibigan ay nag­kukumustahan kahit wa­lang kailangan sa isa’t isa.

Kaya, mag-rosary ka hindi dahil may kailangan ka. Ito ang payo ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page