top of page

Ate, kuya, bunso, ‘wag nang magturuan... Mga gawaing-bahay, pampahaba ng buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 2 min read

MADALAS tayong tamarin sa paggawa ng mga gawaing-bahay dahil para itong bayarin na hindi matapus-tapos. Agree? ‘Yung tipong kalilinis mo lang ng bahay bago umalis tapos pag-uwi mo, makalat na naman. Hay naku!

Mga besh, kapag nalaman ninyo ang benefits ng pag­gawa ng mga gawaing-bahay, eh, siguradong mag-uunahan pa kayong tumapos nito. Knows ba ninyo na ang regular na paggawa ng household chores ay naka­pagpapahaba ng buhay? Hmmm…

Ayon sa pag-aaral, ang paggawa ng light physical activity tulad ng gawaing-bahay ay nakapagpapahaba ng buhay.

Sey ng researchers, ang mga kalahok na nasa edad 65 na regular gumagawa ng light physical activity ay nag­karoon ng mababang mortality risk o mas mahabang buhay kumpara sa mga kalahok na hindi gaanong gu­magawa ng mga gawaing-bahay.

Ani Andrea LaCroix ng University of California San Diego, ang simpleng paglalakad, pagtutupi at pagpa­plantsa ng mga damit at paglilinis ng bahay ay may mala­king maitutulong sa ating kalusugan kung saan 55% ng mga nakatatanda ang gumagawa nito, araw-araw.

Sa pag-aaral na nai-published sa Journal of the Ame­rican Geriatrics Society, ang mga kalahok ay 6,000 ka­babaihan na nasa edad 65 hanggang 99 na finollow-up pagkalipas ng higit apat na taon.

Para isagawa ang pag-aaral, pinagsuot ang mga ito ng measuring device na tinawag na accelerometer at inilagay ito sa bandang hita sa loob ng pitong araw habang ginagawa ang kanilang daily activities.

Samantala, lumabas sa resulta na ang 30 minutong light physical activity kada araw ay nakapagpababa ng mortality risk nang 12% habang ang karagdagang 30 minuto ng moderate activity tulad ng pagbibisikleta at mabilis na paglalakad ay may 39% lower risk.

Ayon kay LaCroix, ang pagdaragdag ng pisikal na aktibidad ay kasing epektibo ng regular na pag-eehersisyo na mabisang pangontra sa mga chronic disease.

Gayunman, sey ng experts, hindi lamang pisikal na aktibidad ang dapat pagtuunan ng pansin para humaba ang buhay dahil ang diet at stress management ay dapat ding tutukan.

Kapag tamang pagkain ang kinonsumo, makaku­kuha umano tayo ng positibong enerhiya na nakapagpapa­ganda ng ating body functions at nagpo-promote ng overall well-being natin.

Ngayong alam n'yo na ang benepisyo ng pagsisipag sa gawaing-bahay, alam n'yo na, ha? Bukod sa ma­pa­nanatili ninyong malinis ang inyong bahay, hitting two birds with one stone pa ang dating dahil kasabay nito, hahaba pa ang buhay ninyo. Copy?

 
 
 

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page