8 Yrs. nang magdyowa, gusto nang makipag-live-in ni girl, kasal ang gusto ni guy
Dear Roma, Ako si Renz, 26 years old. May GF ako at 8 years na kaming magkarelasyon. Mahal na mahal ko siya at alam kong ganundin siya sa akin. Since engaged na kami, nagbabalak na kaming magpakasal next year. Gusto niyang mag-live-in na kami pero ayaw ko kasi gusto kong kunin siya sa pamilya niya kapag ikinasal na kami. Gusto kong malaman niyang parte ng pagmamahal ko sa kanya ang paggalang ko sa kanya at sa pamilya niya. Tama ba ang desisyon ko? Hindi kaya ito makaaapekto sa relasyon namin? — Renz
Renz, Tama ang iyong desisyon na hintayin munang maikasal kayong dalawa bago kayo magsama sa iisang bubong. Palagi mong ipaliwanag ang punto mo at tiyak na mauunawaan ka rin niya. Sa susunod na taon naman ay ikakasal na kayo kaya kaunting panahon na lang ay maaari na kayong magsama para bumuo ng sarili ninyong pamilya. Hanga kami sa iyo dahil kaunti na lang ang lalaking may ganyang paggalang hindi lamang sa kasintahan nila kundi maging sa pamilya at magulang ng babae. God bless you!





Comments