136 Sultada sa BNTV cup Grand finals ngayon


LAHAT ay patungo sa Smart Araneta Coliseum ngayong Lunes, ika-9 ng Setyembre, para sa libu-libong mananabong at opisyonado mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas unang masaksihan ang pinakahihintay na grandfinals ng 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby handog ni Joey Sy at Eddie Boy Ochoa.
Isang mahaba at maaksiyong labanan ang nakalinya tampok ang 136 na sultada sa pagitan ng 67 na finalists simula ng 11 a.m. Itinataguyod ng Thunderbird, ang BNTV Cup ay itinatag ng World Slasher Cup champion na si Joey Sy – isa sa mga hinahangaang national endorsers.
Magbibitaw ng mga pambatong early-bird stags ang mga may pag-asang magkampeon na sina Amiel Angeles (3a’s Kiddos), Angel Yap (Reklamador Gf Lito/ Liza), Anthony Pineda (Gold Cup), Archie D. Fernando (Justify Old Town Road), Banjo & Jokie (Jebl GF), Biboy Enriquez (Tanay 3) at marami pang iba.
Kakasa rin sina Jimmy Mariquit (Team Liberator Belman B-26), Jing/PTM (Jump Around Dakmaan), Jofferson O. Collantes (LM GF), Joselito Dalauidao/ Bryan Alonzo (Ami Supermax), Joseph Dela Cruz (Cedric Gr-2), Joseph Mojica (SRCA 2), Joshua Ilon (Saging), Judd Cauntay (Lucky D), Jun R. Rocio (JLJ Ilaya Gamefarm), Mandy Garcia (MG Gabs), Marwin Cortez (J-Brothers 2), Michael Sia/ Paelo Cabral (MP Ronin Dos), Neil Camello / Daniel Delos Reyes (Optimus GF), Nestor B. Macapagal Jr. (Miguels), NSGF (Fairplay NSGF), Ren Godinez (RNG Sagay), Rex Gapa (Undefeated), Rizel Balahadia (RPB GF), Rolando Galvez (Hataw Banahaw / Be My Guest In Pasay) at Ronaldo Gonzales (Three Star And A Son). (MC)





Comments