Negosyante, todas sa 2 holdaper
- Pabs Hernandez III
- Sep 8, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA — Patay ang negosyanteng babae nang barilin ng dalawang holdaper kamakalawa sa Bgy. Pulo, San Isidro.
Ang biktima ay nakilalang si Ma. Teresa Buenaventura, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Buenaventura nang harangin ng dalawang suspek at hinoldap, pero nanlaban ang negosyante kaya binaril ng mga holdaper.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.





Comments