top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nag-enjoy na sa Kapamilya… Kathryn, ibinuking na gusting-gustong mag-join ni Alden sa star magic bal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2019
  • 1 min read

EXCITED ang lahat ng Kapamilya stars sa gaganaping ABS-CBN Star Magic Ball 2019 sa September 14, Sabado, sa Shangri-la, Bonifacio Global City, at mainit na rin ang usap-usapan kung sinu-sino ang mga a-attend at kung sino ang mga ka-partner nila sa nasabing event.

Noong Miyerkules (Sept. 4), sa event ng Pond’s sa Maybank Theater, naita­nong sa young actress na si Kathryn Bernardo kung si Daniel Padilla ba ang makaka-date niya sa Ball.

“Oo naman, siya ‘yung date ko for ilang years na,” ani Kath.

Recently ay gumawa ng malaking ingay ang success ng movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye. Nagkaroon din ng espekulasyong lilipat na si Alden sa ABS-CBN at marami rin ang nagtatanong kung pupunta ba siya sa ABS-CBN Ball dahil sa tagumpay ng movie nila, bagay na tinul­dukan ni Kathryn at ibinuking na gusto raw um-attend ng Kapuso actor.

Aniya, kailangan pa rin ng permiso ng GMA Network at ABS-CBN sa pagpunta ni Alden.

“He wants to go, but I’m not sure if they allowed him to go.”

Kahit si Daniel ang ka-date niya, tila nag-e-expect pa rin si Kath na papayagan ng both networks si Alden na magpunta.

Aniya, “Hindi ko alam, but kung pupunta siya, he’s very welcome.”

Well, let’s see na lang kung makaka­punta ang Pambansang Bae sa ABS-CBN Star Magic Ball 2019.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page