Mga presong lumaya sa GCTA, sumuko na kayo!
- BULGAR

- Sep 8, 2019
- 1 min read
SUKO o shoot-to-kill?
Kasunod ng ultimatum na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lumayang convicted sa karumal-dumal na krimen, umabot na sa mahigit 30 ang nagsisuko.
Kabilang sila sa halos 2,000 na napaaga ang paglaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sa halip na ituring na mga pugante, minabuti na nilang sumuko bago pa matapos ang 15 days na deadline.
Ayon sa ulat, siyam ang sumuko sa Bureau of Correction s (BuCor). Pinakamarami naman sa Cagayan na umabot sa 20. May sumuko rin sa Pasay, may tatlo rin sa Cebu, isa sa Laguna at isa sa Ifugao.
Sa datos ng BuCor at Department of Justice (DOJ), 1,914 ang lahat ng napan sa heinous crimes at napalaya nang dahil sa GCTA.
Ang tanong, kailan naman kaya lalantad ang higit 1,000 pang presong lumaya?
Huwag naman sana nilang maisipan na kung kailan last minute saka sila susuko, may ganyang ugali pa naman ang mga Pinoy.
Well, good luck, baka madale sila ng mga nag-aabang na ng milyun-milyong patong sa ulo na iniaalok ng pangulo.
Sa totoo lang, wala namang dapat ikabahala ang mga lumayang preso, lalo na kung sumunod lang sila sa batas. Kung may mali sa implementasyon, kasalanan na ‘yan ng mga nagpatupad.
Pero, kung sila ay kabilang sa mga nabulgar na bumili ng GCTA o maagang paglaya, ibang usapan na ‘yan, kailangan nilang panagutan ang isa pang paglabag.
At higit sa lahat, hindi puwedeng mga bilanggo lang ang managot, ‘yung mga ‘boss amo’ r’yan sa Bilibid, alam ninyong hindi kayo makaliligtas. Sana!





Comments