Karnaper, tepok sa shootout
ISABELA — Isang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Nagrumbuan, Cauayan City.
Kinilala ang suspek na si Noel Guzman, residente ng Bgy. Ugac Sur, Tuguegarao City.
Ayon sa ulat, kinarnap ni Guzman ang motorsiklo ni Armand Madriaga at dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya ang biktima kaya hinabol ang suspek.
Nang maabutan, biglang binaril ni Guzman ang mga awtoridad at dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang naturang karnaper.





Comments