'Di na siya sisintahin ng bayan… Sikat na female celeb, nanalo lang sa pulitika, biglang yabang
- Erlida Rapadas
- Sep 8, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
MARAMI ang labis na nanghihinayang sa isang sikat na female personality dahil naudlot ang pagbongga ng kanyang political career. Matagal din na napanood ang sikat na TV personality. Matalino siya at malakas ang personalidad. Marami ang humahanga sa kanyang kakaibang karisma sa tao.
Pinagsasabong sila dati ng isa ring sikat at palabang TV personality at dahil popular ang female personality, nang tumakbo siya sa mataas na posisyon sa pulitika ay nanalo siya at nakakuha ng maraming boto.
Ang bangu-bango ng pangalan ng sikat na TV personality. Level-up agad siya dahil mataas at respetado ang kanyang posisyon. Taas-noo siya palagi sa mga dati niyang kasamahan sa trabaho.
Napansin din ng marami ang biglang pagbabago ng kanyang ugali at aura. Hindi na siya pang-masa kung umasta lalo na’t nadikit na siya sa mga malalaking pulitiko na bilib na bilib sa talino niya. Nakalimot na rin siya sa mga taong tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa pulitika.
Kasabay ng pagbabago ni female personality ang pagkasira ng relasyon nilang mag-asawa. Nang muling tumakbo sa mas mataas pang posisyon ang female celebrity, olats na siya. Pero dahil hindi maiwan ang pulitika, kahit sa provincial post ay tumakbo siya at nanalo naman.





Comments