Dalawa sa 3 nakalaya sa chiong sisters slay case, sumuko
- V. Reyes
- Sep 8, 2019
- 1 min read

KUSA umanong lumutang at sumuko sa mga awtoridad ang dalawa sa convicted sa kasong pagdukot, panghahalay at pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong 1997.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sumuko sina Ariel Balansag at Alberto Caño, ilang araw bago matapos ang ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahan naman ni Guevarra na lulutang din sa susunod na linggo ang ikatlong convicted sa kaso na si Josman Aznar.
Ikinatuwa naman ni Thelma Chiong, ina ng mga biktima, ang pagkukusang pagbabalik sa piitan ng mga sentensiyado sa Chiong Sisters rape-slay case.
Kabilang ang tatlo sa 1,914 heinous crime convicts na maagang napalaya dahil sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) matapos magpakabait sa piitan.
Comments