top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Bagong leading lady ni Sen. Bong… Maine, ka-level na nina Sharon, Maricel at Marian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2019
  • 1 min read

MISTULANG may Bong Re­villa, Jr. Movie Festival sa GMA Network simula nga­yong buwan ng Setyembre. Ang mga pelikula ng Titanic Action Star ang ilalabas tuwing Linggo ng gabi sa SNBO slot.

Buwena-manong mapapa­nood ang pelikulang Panday na action-fantasy. Ang iba pang Bong Revilla movies ay ang Resiklo, Kapag Tumibok ang Puso, Si Agimat at Si Enteng, atbp..

Ikatutuwa ng mga tagaha­nga ni Sen. Bong na muling mapanood sa telebisyon ang mga malalaking pelikula na kanyang ginawa noong hindi pa siya busy sa pulitika.

Excited na rin ang mga fans sa peli­kulang gagawin at pagsasamahan nina Sen. Bong, Robin Padilla, at Phillip Salvador. Tiyak na punumpuno ito ng action scenes.

Ang mga diehard fans naman ni Maine Mendoza ay natutuwa sa balitang magka­kasama sa isang pelikula sina Sen. Bong at Dubsmash Queen.

Malaking boost sa career ni Menggay kung malalaking aktor ang makakasama niya sa pelikula. Sobrang close na si Maine at si Bossing Vic Sotto na itinuring na niyang pangalawang tatay at mentor. Pagkatapos, malaking bagay din na maging leading lady siya ni Sen. Bong na ang mga unang nakapareha sa mga movies ay sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Marian Rivera, atbp..

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page