Tattoo artist, nilikida ng gunman
- Pabs Hernandez III
- Sep 7, 2019
- 1 min read
QUEZON—Patay ang tattoo artist nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Malabanban Norte, Candelaria.
Kinilala ang biktima na si Herson Gamilla, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na habang nakatayo sa terrace ng kanilang bahay si Gamilla ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments