top of page

Sa milyong kinita ng movie nila ni Alden… Kathryn, nakalimutang mag thank you kay Daniel sa speech

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2019
  • 1 min read

“FROM Day 1, ang dami ko pong gustong ipaalam kung gaano ako ka-grateful na sinugalan ninyo po ako. Thank you po, ‘di ko po na-realize that I’m that worthy,” ang emosyonal at humble na pahayag ni Alden Richards sa nakaraang thanksgiving party ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na tinanghal bilang Highest- Grossing Filipino Film of All Time sa kinita nitong P880,603,490 worldwide.

‘Di napigilan ng Kapuso actor ang mapaluha sa labis na tuwa dahil dati pa pala ay pangarap na niyang maka­gawa ng pelikula sa Star Cinema at ‘di niya akalain na puwede pala itong magkatotoo.

Emosyonal din si Kathryn Bernardo sa speech niya kung saan inamin ng aktres na ang dami niyang kinonsidera at pinagpaalaman bago tinanggap ang pelikula. Isa na rito ay ang boyfriend at ka-love team na si Da­niel Padilla na noon pa naman ay suportado at proud na sa mga achievements ng girlfriend.

Nakalimutan nga ni Kathryn na pasalamatan si Daniel sa kanyang speech dala na rin siguro ng kaba at sobrang excitement, pero bumawi naman ang Kapa­milya actress sa nakaka-touch na Instagram post kung saan pina­salamatan niya ang boyfriend.

Tinanong nga namin si Kath kung ano ang pakiramdam niya na pelikula nila ni Alden ang tumalo sa The Hows of Us nila ni Daniel bilang Highest-Grossing Filipino Film of All Time.

Ayon kay Kath, dito niya napatunayan na ‘pag minahal mo ang ginagawa mo ay babalik sa ‘yo at nag-reflect lang kung ano ang pagmamahal na ibinigay niya sa mga ginawang pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page