top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Oh, ha?! Hindi pala dapat malungkot... Pandak na mataba at bilugan ang mukha, mas suwerte sa negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro,

October 23, 1979 ang birthday ko at February 14, 1972 naman ang mister ko. Pareho kaming kagagaling lang sa abroad at nakaipon na ng kaunting puhunan, kaya balak naming kumuha ng tindahan o puwesto sa palengke o bayan. Susuwertehin kaya kami sa ganitong negosyo o dapat na mag-abroad na lang ulit kami?

Umaasa,

Mariz ng Limbon, Indang, Cavite

Dear Mariz,

Ayon sa birth date mong 23 o 5 (2+3=5) at nagkataong 14 o 5 din (1+4=5) ang iyong mister sa zodiac sign mong nasa pagitan ng Libra at Scorpio, habang Aquarius naman si mister, tunay ngang higit kayong susuwertehin sa pagne­negosyo na may kaugnayan sa grocery tulad ng pagtitinda ng bigas, asukal, mantika, kape, sabon, de-lata at kung anu-ano pang pang-araw-araw na pangangailangan ng tao. Kapag ganyan ang inyong produkto at pagkatapos ay nairasyon o nai-rolling pa ninyo ito kung saan-saang lugar, sa negosyong nabanggit, tiyak na kayo ay uunlad at yayaman.

Makukumpirma na kayo ay yayaman sa pagnenegosyo kung isa sa inyo ni mister ay may bilugang hugis ng mukha at pangangatawan o kaya ay may kitang-kitang nunal sa mukha.

Kung isa man sa inyo ang ganyan ang pisikal na des­kripsiyon, mababa na medyo pandak na mataba, tulad ng na­sabi na, tiyak na kayo ay yayaman sa iniisip ninyong ne­gosyo na magsisimulang mangyari at magaganap sa taong 2034 sa edad mong 55 pataas at 62 naman si mister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page