Naku, mga momshie, hindi pala safe para sa bagets... gadgets, may masamang epekto sa utak at nagdudu


Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, mapapansin nating napakikinabangan ito, partikular ang gadgets dahil para sa iba, ito ang kanilang ‘babysitter’ dahil sa panahon ng pagta-tantrums ni bagets o kapag sobrang busy ni momshie, ito ang sumasagip sa lahat dahil napananatili nitong busy ang mga bata.
Pero, sa kabila ng tulong na naibibigay nito, alam ba ninyo na ang exposure mula sa blue light ng gadgets ay may negatibong epekto sa development ng utak ng mga bata?
Inirerekomenda ng mga eksperto na ang mga batang nasa edad 2 hanggang 5 ay magkaroon ng isang oras o mas mababa pang screen time kada araw. Bukod sa delikado ito para sa mga bata, lumiliit ang tsansa na maging physically active ang mga ito gayundin, maaapektuhan ang kanilang sleeping patterns.
Ayon sa mga eksperto, habang nasa unang taon ang bata, mabilis na nade-develop ang utak nito, gayundin, dapat matuto ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag-interact sa mga tao at hindi sa screen o gadget lamang. Dagdag pa rito, ang palaging pagyuko at kawalan ng eye contact sa mga tao ay delikado sa brain development.
Ang gadgets ay nagsisilbi umanong distraction sa mga bata na nasa edad 1 hanggang 2 sa pakikipag-interact sa kanilang mga magulang, kapatid at iba pang mga bata. Ayon kay Dan Siegel ng Mindful Awareness Research Center, nakapagpapabagal ito ng language at social and emotional development kung saan makaaapekto ito sa development ng insight, empathy at paraan ng pagkilala sa sarili, gayundin sa koneksiyon sa mga relationship.
Gayunman, dapat umanong maging physically active ang mga ito sa pamamagitan ng pag-e-explore sa kanilang paligid at paglalaro gamit ang kanilang pisikal na katawan at hindi mga kamay na nakahawak sa gadget.
Base sa pag-aaral ng mga psychologist ng The University of Calgary na nai-publish sa JAMA Journal Pediatrics, ang labis na paggamit ng gadgets ng mga batang nasa edad 2 ay nagkakaroon ng hindi magandang motor performance, communication at problem solving skills paglipas ng panahon.
Samantala, ayon sa American Heart Association, ang screen time ay maaaring mag-contribute sa future heart disease ng bata dahil ang sobrang pagtutok sa gadgets ay nagreresulta sa hindi masyadong pagkilos o laging pag-upo kung saan konektado ito sa obesity at pagiging overweight. Kapag nanatiling obese ang bata, mataas ang risk nito sa high cholesterol, high blood pressure at iba pang sakit.
Dagdag pa rito, ang mga bata na natutulog malapit sa “small screen” o smartphone ay mas late nang nakatutulog tuwing gabi dahil sa mataas na lebel ng blue light mula sa screen na umuubos sa sleep hormone na melatonin.
Naku, momshies, hindi pala porke nakatutulong sa atin, eh, hindi na ito puwedeng makasasama?
Kaya mga momshie, make sure na lilimitahan ninyo ang paggamit ng gadgets ng inyong mga anak, ha? Copy?





Comments