top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nagbabaga ang tako ng pinoy sa world 9-ball

Eddie M. Paez, Jr.
Sep 7, 2019
1 min read

NAGBABAGA ang tako ng mga bilyarista mula sa Pilipinas na sina Johann Gonzales Chua, Anthony Cortes Raga, Raymond Faraon, Carlo Biado at Chezka Centeno matapos nilang iposte ang limang panalo sa unang limang salang nila sa mesa sa center stage ng mabagsik na bakbakang World 9-Ball China Open 2019 sa Pudong Tangzhen Culture & Sports Center ng Shanghai, China.

Pinabagsak ni Chua si dating double world champion Wu Jiaqing ng China sa isang gitgitang duwelo, 9-8, sa Group A matapos makuha ang apat sa huling anim na sets samantalang isa pang higante sa larangan ng pagtumbok ang nasingitan ni Raga sa Group B sa katauhan ni dating World Pool Billiards Association (WPA) no. 1 Jayson Shaw ng Scotland, 9-7. Tatlong panalo sa huling apat na set ang napagwagian ni Raga.

Si Chua ay seeded sa main draw ng torneo bunga ng mataas na world rankings habang sa likurang pinto ng paligsahan pumasok si Raga dahil kinailangan pa niyang pigain sina Shen Shenyi (China, 9-2), Liu Yexu (China, 9-4), Thorsten Hohmann (Germany, 9-4) at Xu Xiacong (9-1) sa qualifying stage.

Mas maalwan ang naging paglalakbay nina Faraon, Biado at Centeno sa pag-arangkada ng kompetisyong magkakaloob ng kabuuang gantimpalang $373,000 sa mga mapapabilang sa winners’ circle. Ibinasura ni Faraon si Casper Matikainen ng Greece, 9-2; dapa si South African David Anderson kay Biado (9-3 pabor sa Pinoy) habang nabokya ni SEAG gold medalist Centeno si Haniyeh Fallah (7-0).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page